Posts

Ang Suliranin sa ating bansa

Image
               "Ang Suliranin sa ating bansa" Maligayang pagdating ng mga manonood, sa blog na ito ay narito upang talakayin ang problema o mga dilemmas na kasalukuyang nakakaapekto sa amin. Tatalakayin natin dito ang gayong problema at may magagawa ba tayo upang mapahinto ang mga kakila-kilabot na mga bagay na nangyayari sa atin ngayon, dapat bang gumawa tayo ng anumang bagay upang pigilan ito, o dapat bang gumawa tayo ng anumang mga aksyon?

KONTRIBUSYON SA PROBLEMA NG GUTOM, BASURA AT CLIMATE CHANGE

Image
                Ang Pagkagutom ng mga Tao sa Mundo ay isa sa mga pinakamalaking problema ng ating daigdig. Maraming mga tao lalo na mga bata sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay Kulang sa Nutrisyon. Ang Kakulangan ng Nutrisyon ay maaaring ikompromiso ang ating immune system, pagkaantala kung paano umiisip ang mga bata at kung paano nila tuklasin at alamin ang mga bagay, maging sanhi ng komplikasyon sa pagbubuntis, at marami pang iba. Tiyak na ang Kakulangan ng Nutrisyon ng Tao ay nakakasama ng kalusugan at nagdudulot ng maraming masamang epekto nito.             Ang magandang balita ay mayroong mga solusyon upang matulungan ang mga tao sa mundo na makuha ang nutrisyon na kailangan nila upang mabuhay at umunlad.  Mga paraan  : Pag-iwas ng pag-aaksaya ng pagkain.                     Humigit-kumulang na  1.3 bilyong  pagkain ang nasasayang bawat...

🌏Plastic Pollution Ating Labanan Para Sa Ating Kapakanan🌏

Image
Plastik sa Kapaligiran                    Plastik sa Kapaligiran                    Credits: Allen Maldo          Ang mundo natin ngayon ay nahaharap sa isang malaking isyu na hanggang ngayon ay hindi pa din masosolusyonan. Ito ang Plastic pollution, ano nga ba plastic pollution? Ang plastic pollution ay ang pag dami ng plastic waste na makikita sa ating paligid at naapektuhan nito ang kabuuan ng ating ecosystem. Mga lawa, ilog, dagat, karagatan, at iba pang anyong tubig ay nanganganib na tuluyan ng masira dahil sa polusyon na nararanas nito. Halos 8 milyon tons na plastic ang napupunta sa ating karagatan at dahil dito ay napapahamak ang mga isda at ang ibang mga organismo. Ang ating kapaligiran ay nalulubog na sa plastic at unti-unting nasisira ngunit tinatalikuran lang natin ito at hindi pinapansin.   Basura sa Ilog at Landfill Credits: Allen Maldo at Googl...

🌏PAHALAGAHAN AT ISABUHAY ANG 3Rs SA PANG ARAW-ARAW🌏

Image
             Sa kasalukuyan, makikita natin ang nakakabahalang problema sa ating bansa. Ang halimbawa dito ay ang nakatambak na basura na nabubulok at di-nabubulok.  Ang pagkawala ng kontrol sa basura na tinatapon sa araw-araw na nakakasira sa mundong ating ginagalawan. Mga basura na wala sa kanilang tamang lagayan at hindi hinihiwalay ang mga ito. Dahil dito, dapat tayong matuto na magtulungan upang mas maging maunlad at malago ang ating kapaligiran. Bilang isang mamamayan, dapat nating unti-unting bigyang solusyon ang mga problemang ito upang mabigyan ng wastong pangangasiwa at pangangailangan ang mga tao. Ang tamang pangangasiwa ng basura ay dapat magsimula sa ating mga tahanan. Kaya’t halika na’t alamin ang dapat nating gawin upang maging isang mabuting miyembro ng komunidad at para makatulong sa ating pamayanan.  🌏 Reuse            Ito ay tumutukoy sa pagbabawas ng basura na maaaring nakakasira sa ating kap...

NoFoodLeftBehind

Image
  Sa dami ng pagkain na ating kinukunsumo sa mga unli restaurants, buffets at maging sa bahay ay kadalasan mayroong mga tiring pagkain na naiiwan. Mahigit  1,717 metric tons  ang pagkaing nasasayang araw-araw at  4.2 million na pamilya  ang nagugutom at walang makain sa ating bansa. Bagkus, kailangan nating gumawa ng iba’t-ibang paraan para hindi masayang ang pagkain at paano natin gagawin ang NoFoodLeftBehind? Ang tatalakayin natin ay tungkol sa paraan kung paano mababawasan ang pagkasayang ng pagkain sa ating araw-araw na pagkonsumo nito. Pag-uusapan natin ang mga salik na nagdulot ng problemang ito at mga solusyon na maaaring makatulong sa pagbawas ng tiring pagkain. Ibabahagi ko rin ang aking opinyon at ideya sa mga maaaring solusyon tungkol sa problemang ito. MGA SALIK NA NAKAKAEPEKTO SA FOOD WASTE Maramihang pamimili ng pagkain -       Minsan, kung tayo ay namimili ng mga pagkain sa mall o grocery ay nadadamihan natin ito. Sa sobrang da...

KuryenteChallenge

Image
             Ang ating kuryente ngayong mga nakaraang taon ay palagi ng nagagamit at dahil dito wala na tayong alam kung kailan ito mauubos. Ang mga ay nagpapatuloy padin sa pag-aksaya at pag-abuso nito. Sa aking pamamahay, ang aming gastusin o electricity bill sa buwan ng Agosto at Septeber ay nasa 12 Thousand pesos kaya ang layunin ng blog post na ito ay turuan kayo kung paano at sa kung anong paraan tayo makakapag-ipon ng kuryente upang maiwasan natin ang pagbigay rason ng Global Warming sa ating mundo at sa pagbawas ng gastusin sa ating mga electricity kada-buwan.    Ang iilan sa mga ay mga paraang kailangang gawin upang makaambag tayo sa kaayusan ng ating mundo:   Paggamit ng Natural na Ilaw -        Unang-una sa lahat ay ang pagmaximize o pagsasanay ng paggamit sa ating natural na ilaw. Sa pamamaraang ito, mas makakaipon pa tayo ng kuryente at mas maliwanag at preskong ilaw ang ating masisilayan. Ngunit ang...