🌏PAHALAGAHAN AT ISABUHAY ANG 3Rs SA PANG ARAW-ARAW🌏

  


          Sa kasalukuyan, makikita natin ang nakakabahalang problema sa ating bansa. Ang halimbawa dito ay ang nakatambak na basura na nabubulok at di-nabubulok.  Ang pagkawala ng kontrol sa basura na tinatapon sa araw-araw na nakakasira sa mundong ating ginagalawan. Mga basura na wala sa kanilang tamang lagayan at hindi hinihiwalay ang mga ito. Dahil dito, dapat tayong matuto na magtulungan upang mas maging maunlad at malago ang ating kapaligiran. Bilang isang mamamayan, dapat nating unti-unting bigyang solusyon ang mga problemang ito upang mabigyan ng wastong pangangasiwa at pangangailangan ang mga tao.



Ang tamang pangangasiwa ng basura ay dapat magsimula sa ating mga tahanan. Kaya’t halika na’t alamin ang dapat nating gawin upang maging isang mabuting miyembro ng komunidad at para makatulong sa ating pamayanan. 



🌏Reuse 


         Ito ay tumutukoy sa pagbabawas ng basura na maaaring nakakasira sa ating kapaligiran. Ito ay ang pagbibigay ng panibagong layunin ng isang bagay mula sa kaniyang orihinal na gamit. Mga paraan upang maisabuhay ang pag reuse sa ating mga tahanan ay ang:



Paggamit muli ng mga garapon at lata. 

-Ang mga ito ay madaling ma reuse upang mabawasan ang sobrang paggamit ng plastik. Halimbawa nito ay ang paggamit muli ng garapon bilang lalagyan ng pagkain. Pwede rin itong gawin bilang mga organizers, penny bank, at bathroom containers. 

Paggamit muli ng mga plastic soda bottles, gallon jugs, at iba pang plastic containers


-Maaari itong gawin bilang lalagyan ng mga homemade natural cleaners o bilang lalagyan ng mga gamit sa bahay. 

Paggamit muli ng mga diyaryo, pahayagan, at mga paper bags


-Marami ka bang mga papel sa bahay? Maaari mong magamit ang mga ito bilang mga wrapping paper, compostable seed pots, o DIY envelopes. 

Paggamit muli ng mga lumang damit o towels at beddings.

-Kapag mayroon kang mga damit na sa palagay mo ay hindi na magagamit, huwag mo itong itatapon. Maaari mo itong gupitin at gamitin muli bilang mga washable cleaning rags. Maaari rin itong gawing mga bagong basahan at alpombra. 

Paggamit muli ng mga Plastik na bag at mga selopin.

-Maraming pwede nating gawin upang magamit muli ang mga ito. Pwede nating gamitin muli ang mga ito bilang mga pet waste bags at basurahan. Maaari ring gamitin muli kapag pupunta sa mga groseri bilang lalagyan ng mga pinamili. 


Paggamit muli ng mga gamit na pang banyo.

-Kung maaari, mas mabuting hindi ito itapon kundi tipunin. Pwede nating ma reuse ang mga lumang toothbrush at gamitin muli bilang mga panlinis. Ang mga toothpaste tubes rin ay maaring magamit bilang funnel sa pamamagitan ng paggupit nito. 

Paggamit muli ng mga old furniture

-Maari nating gamitin muli ang mga lumang kasangkapan gaya ng paggamit muli ng kahoy. Pwede nating gawing bagong furniture ang mga ito tulad ng paggawa ng shelves, shadow boxes, bulletin boards, at iba pa. 


🌏Reduce 

        Ito ay tumutukoy sa pagbabawas ng basurang higit na nakakaapekto sa ating kalikasan. Ito ay ang pagbabawas ng isang bagay at ang pagbabawas ng pagdami sa mga basura. Dahil dito, alamin natin kung ano nga ba ang maaari nating gawin upang maisabuhay ang pag reduce. 


Pagbili ng mga reusable o eco-friendly shopping bags at pagbabawas ng paggamit ng plastik na supot.


-Mas mabuti kung mas pipiliin natin ang paggamit ng mga sustainable na mga gamit. Mura lang naman ang pagbili ng mga eco bag kaya’t mas nakakabuti ito para sa karamihan. Ito’y nakakatulong upang mabawas-bawasan ang nakatumbok na basura at plastik.


Huwag gumamit ng mga disposable na gamit sa kusina



- Kung maaari, higit na mas mabuti ang pagtigil sa paggamit ng mga disposable plastics. Halimbawa nito ay mas mabuti ang paggamit ng microfibre cloths kaysa sa mga tissue at wipes. Maari rin tayong gumamit ng mga reusable na lalagyan upang maiwasan ang pagtambak ng mga disposable na plastik at basura. 


Paggamit ng mga reusable coffee at water bottles.

-Mas mabuti ang paggamit ng mga reusable water bottles kaysa sa paggamit ng disposable bottles. Kung maaari, mas mabuti ang paggamit ng double-insulated bottle na kayang malagyan ng mainit at malamig na inumin. Ito’y mas madaling gamitin at mas tipid pa. 


Pagbabawas ng ating mga food waste sa tahanan.


- Dapat tayong maging mas aminado sa pag-plano sa ating pang araw-araw na pagkain. Mas mabuting iwasan ang pagbili ng maraming pagkain para maiwasan ang pagbubulok at pagpapanis nito. Kung mayroon man kayong bulok at panis na pagkain, maari rin itong gawing  mga natural na pataba o natural-rich soil.



Bigyan ng bagong bahay ang iyong mga lumang gamit. 



- Dapat nating bawasan ang ating mga kagamitan at damit sa bahay na hindi gaano nagagamit,  upang maging mas sariwa at maayos tignan ang mga tahanan. Maari mo itong ibenta o kaya’t mas mabuting ipagkaloob na lamang ito sa mga higit na nangangailangan. 



Matutong ayusin ang mga sirang gamit o damit kaysa bumili ng bago.



-Upang maisabuhay ang pag reduce sa tahanan, mas makakabuti ang pag-ayos ng mga sirang gamit upang maiwasan ang pagdami nito. Halimbawa nito ay ang pagtahi ng mga sirang damit kaysa bumili ng bago. Kaya’t mas makakabuti na bawasan ang mga di kailangan na mga gamit sa bahay. 



🌏Recycle 


           Ito ay tumutukoy sa mga lumang gamit o basura na ginagawang bagong bagay upang mas maging kapakipakinabang. Ito ay na isasabuhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging malikhain sa paggawa ng bagong gamit upang magamit muli ito. Ang pag recycle ay importanteng gawain para sa ating lahat lalong-lalo na sa tahanan, kaya’t alamin natin kung paano nga ba natin ito maisasabuhay. 




Pag recycle ng mga gamit at walang laman na mga plastik na bote. 



-      Maraming paraan na maaari nating gawin upang mas mapakinabangan muli ang ating mga bote. Halimbawa nito ay ang gawin itong lalagyan ng mga gamit sa bahay. Gaya ng lalagyan ng school supplies, gamit pang kusina, lalagyan ng barya, at pwede ring gawing lalagyan ng mga tanim. Maaring gawin itong bilang trash can, sprinkler, at bucket. Ito’y ilan lamang sa mga paraan ng pag recycle at nasa pagkamalikhain lamang ito ng isang tao. 



Pag recycle ng mga newspaper at gamit na papel.



- Kahit mga papel ay maaari nating ma recycle at bigyan pa ng ibang layunin at gamit. Mga halimbawa nito ay ang gawin itong natural compost, panlinis sa mga bintana, wrapping paper,  shelf liner o organiser, at iba pa.



Pag recycle ng mga metal na gamit gaya ng lata.



- Gaya ng mga plastik na bote, ang mga lata ay magagamit bilang mga lalagyan ng iba’t ibang gamit. Halimbawa ay lalagyan ng mga craft works, utensils, storage system, at school supplies. Mas maganda at nakakagana itong tingnan kung may mga kulay at iba’t ibang  palamuti ang mga ito. 



Pag recycle ng mga glass at mga nasisira na bote



- Maaari nating ma recycle ang mga ito sa ating mga tahanan lalong-lalo na bilang mga palamuti at disenyo sa bahay. Sa karagdagan, maaari itong gawing mga lalagyan ng panlinis sa bahay at gawing isang panibagong gamit. Halimbawa nito ay gawing soap dispenser, spray bottle, holiday decorations, lamps, organizers, at iba pa. 



Pag recycle ng mga karton. 


- Kung maaari, higit na mabuti ang pagtipon ng mga karton sa bahay. Dahil maraming paraan upang mabigyan ito ng bagong layunin at gamit. Halimbawa nito ay ang gawin itong mga storage boxes, school projects, trash bin, toys, at iba pa. 


       Ito ay ang tatlong Rs sa tahanan, mga mabisang paraan para mabawasan ang nakababahalang basura na nakakalat sa ating kapaligiran. Ang mga ito ay mahalagang matutunan ng karamihan sapagkat ito ay makakatulong upang mapapanatiling maayos ang ating sanlibutan. Sa basura na ating itinatapon sa pang araw-araw ay dahan-dahan itong nawawalan ng kontrol at dahan-dahan ring sinisira ang ating natural na yaman.  Dahan-dahan nitong pinapatay ang kapaligiran sa mundong ating ginagalawan. Ngunit, naniniwala ako na may paraan pa para magbago, para umunlad muli, at para mapabuti ang ating mundo. Maraming paraan upang masolusyonan natin ang mga problemang ito kaya’t mahalaga ang ating pagkakaisa at pagtutulungan sa isa’t isa. Gaya ng aking nabanggit, isa sa mga paraan ay ang pagsasabuhay ng 3Rs, lalong-lalo na sa ating mga tahanan. Ang gawaing ito ay napakasimple lamang ngunit nakakapagpabago sa buhay ng isang tao. Kaya’t bilang isang mamamayan, dapat tayo ay magkasundo upang labanan ang mga problemang hinaharap. At dahil dyan, dapat magsimula na tayo ngayon sa pagtulong na buhayin at pasiglahin muli ang ating kalikasan. Magtulungan tayo upang mabigyan ng tamang pangangasiwa ang mga tao, hayop, at likas na yaman. Heal the world, and make it a better place!



Isinulat Ni: Naomi Katherine Orgil

Sinaliksik Ni: Hannah Louise Lanzaderas



Sources:

10 ways to reduce waste at home, (n.d.) www.thepersonal.com https://www.thepersonal.com/blog/-/10-ways-to-reduce-waste-at-home


Landess Kearns, July 22 2016, 9 simple ways to reduce waste at home, www.huffpost.com, https://www.huffpost.com/entry/reduce-home-waste_n_57912d0be4b0fc06ec5c4b56


Douglas Lober, February 17 2018,  23 Best Recycling Tips at Home, School, and work, www.reusethisbag.com,  https://www.reusethisbag.com/articles/top-23-best-recycling-tips


kyleangelosalinas, October 28 2017, Kahalagahan ng 3R's, kyleangelosalinas.wordpress.com,  https://kyleangelosalinas.wordpress.com/


Wisehearted, (n.d.), brainly.ph,  https://brainly.ph/question/1105562



Kung nais nyo po manood sa aming vlog paki press lang pong itong link:

https://drive.google.com/file/d/1YfYjE6r1fshjifz5pK6VTzMKy6Tdtiby/view?usp=drivesdk

Actors:

-Maldo

-Juit

-Inting

Editor:

Chua


Comments

Popular posts from this blog

KONTRIBUSYON SA PROBLEMA NG GUTOM, BASURA AT CLIMATE CHANGE

Ang Suliranin sa ating bansa