🌏Plastic Pollution Ating Labanan Para Sa Ating Kapakanan🌏


Plastik sa Kapaligiran

                  Plastik sa Kapaligiran

                   Credits: Allen Maldo


         Ang mundo natin ngayon ay nahaharap sa isang malaking isyu na hanggang ngayon ay hindi pa din masosolusyonan. Ito ang Plastic pollution, ano nga ba plastic pollution? Ang plastic pollution ay ang pag dami ng plastic waste na makikita sa ating paligid at naapektuhan nito ang kabuuan ng ating ecosystem. Mga lawa, ilog, dagat, karagatan, at iba pang anyong tubig ay nanganganib na tuluyan ng masira dahil sa polusyon na nararanas nito. Halos 8 milyon tons na plastic ang napupunta sa ating karagatan at dahil dito ay napapahamak ang mga isda at ang ibang mga organismo. Ang ating kapaligiran ay nalulubog na sa plastic at unti-unting nasisira ngunit tinatalikuran lang natin ito at hindi pinapansin.




 Basura sa Ilog at Landfill

Credits: Allen Maldo at Google

Source:

Landfill image

ENNOMOTIVE, August 20 2019, Circular economy and open innovation, www.ennomotive.com,  https://www.ennomotive.com/circular-economy-open-innovation


             Marami tayong magagawa upang mapigilan ang pagdami ng plastic sa ating kapaligiran. Isa na dito ang pinakapayak na gawain ay ang pag-iwas sa paggamit ng plastik hangga’t maaari. Kung bibili ka ng mga pagkain, gamit, at iba pa ay mas maiging gumamit ng eco bag dahil magagamit mo parin ito. Hindi kagaya ng plastic na one use only. Mas maigi kung ang iyong kagamitan lalo na sa hapagkainan ay plastic free kagaya ng paggamit ng kubyertos na gawa sa metal, glass straw, at imbis na plastic cups ay palitan ito ng tasa. Hindi lang maiibsan ang plastic sa iyong paligid kundi napro protektahan na din kayo sa mga mikrobyo, sakit, at mga chemicals na dala nito. Iwasan din ang paggamit ng plastic tupperware bilang lalagyan ng inyong pagkain kundi gamitin ang mga tupperware na gawa sa babasagin na materyales. Ito ay dahil mas ligtas gamitin ang glass tupperware dahil mas malinis ito kaysa sa plastic tupperware. 





Glass mug and straw, Ecobag, Glass Tupperware

Credits: Vem Sumampong (Glass mug)    Credits: Princess Juit (Ecobag)                      Credits: Vem Sumampong (Tapperware)

Source of image for mug and tapperware:

•Tapperware

Pack-Containers-Dishwasher-Microwave-Resistant,(n.d.),  Amazon.com.au,https://www.amazon.com.au/Pack-Containers-Dishwasher-Microwave-Resistant/dp/B01N90AWNF

 •Mug

 Mason Jar Mug reausable wide mouth drinking glass with lid straw,(n.d), https://www.amazon.co.uk/dp/B07K75HL9Y/ref=asc_df_B07K75HL9Y1633669200000/?tag=lion0d29-21&creative=22374&creativeASIN=B07K75HL9Y&linkCode=df0

         Ang pag recycle sa mga plastic na ating nagamit kagaya ng bote, bubble wrap, pakpak ng ating pagkain, at iba pa ay nakakatulong ng malaki sa ating pagbawas ng plastic sa ating paligid. Isa sa pinaka epektibo na pag recycle ay ang pag kolekta ng plastic sa inyong bahay at ilagay ito sa isang botilya at kapag ito’y puno na ay ibibigay sa inyong barangay upang kanilang gawing mga recycled walls para sa mga tanim na kanilang pinapatubo. Ginagawa namin ito sa aming bahay at mas naging malinis ang aming kapaligiran. At ang panghuli na pwede nating gawin ay ang pag petisyon sa pamahalaan na itigil ang produksyon ng plastic. Halos 380 million tons na plastic ang nagagawa ng mga pagawaan sa loob lamang ng 1 taon. Kung ating ititigil ang produksyon ng plastic ay mas bubuti ang ating kapaligiran. Walang plastic pollution kung walang plastic na prinoproduce sa mga pagawaan at ang mga tao ay disiplinado at responsable sa kanilang mga kilos. Higit sa lahat, ang ating mga ginagawa upang matigil ang plastic pollution, maliit man o malaki ay nakakatulong ng malaki sa ating kalikasan.

            Hindi sana magkakaganito ang ating mundo kung tayo ay naging responsable sa ating pag gamit ng plastic. Nagsisimula ang pagbabago sa ating sarili kaya dapat din baguhin natin ang ating pamamaraan at maging modelo sa iba. Isipin natin ang ating kinabukasan at ang mga susunod na henerasyon sa kanilang pagdadaanan kung magpapabaya tayo sa nangyayari sa atin sa kasalukuyan.

Credits: Vem Sumampong

Source of Image: 

einzunzag, (n.d.), Save our future Kids Earth Day Protest Strike 4 climate,  www.redbubble.com https://www.redbubble.com/i/poster/Save-our-future-Kids-Earth-Day-Protest-Strike-4-climate-by-einzunzag/37422631.LVTDI


Isinulat Ni: Vem Gwyneth Sumampong 

Sinaliksik Ni: Edmer Job Batin


Sources:


https://www.nrdc.org/


https://www.iberdrola.com/


https://www.hubbub.org.uk/ 


Comments

Popular posts from this blog

🌏PAHALAGAHAN AT ISABUHAY ANG 3Rs SA PANG ARAW-ARAW🌏

KONTRIBUSYON SA PROBLEMA NG GUTOM, BASURA AT CLIMATE CHANGE

Ang Suliranin sa ating bansa