NoFoodLeftBehind
Sa dami ng pagkain na ating kinukunsumo sa mga unli restaurants, buffets at maging sa bahay ay kadalasan mayroong mga tiring pagkain na naiiwan. Mahigit 1,717 metric tons ang pagkaing nasasayang araw-araw at 4.2 million na pamilya ang nagugutom at walang makain sa ating bansa. Bagkus, kailangan nating gumawa ng iba’t-ibang paraan para hindi masayang ang pagkain at paano natin gagawin ang NoFoodLeftBehind?
Ang tatalakayin natin ay tungkol sa paraan kung paano mababawasan ang pagkasayang ng pagkain sa ating araw-araw na pagkonsumo nito. Pag-uusapan natin ang mga salik na nagdulot ng problemang ito at mga solusyon na maaaring makatulong sa pagbawas ng tiring pagkain. Ibabahagi ko rin ang aking opinyon at ideya sa mga maaaring solusyon tungkol sa problemang ito.
MGA SALIK NA NAKAKAEPEKTO SA FOOD WASTE
Maramihang pamimili ng pagkain
- Minsan, kung tayo ay namimili ng mga pagkain sa mall o grocery ay nadadamihan natin ito. Sa sobrang dami ng mga pagkaing ating nabibili ay hindi na natin ito nakunsumo at nabubulok na ang mga ito. Kadalasan ay mga prutas at gulay na madali lamang mabulok kung hindi natin agad na maluluto.
Maramihang pagluluto sa mga restaurant at foodservice industry
- Hindi na bago sa atin ang mga unli restaurants at mga buffets. Araw-araw may mga pagkaing nasasayang dahil marami ang inihahanda ng mga restaurant at hindi iyon makonsumo sa mga customer na bumibili sa kanila. Dahil ditto nagkakaroon ng maraming mga pagkaing nasasayang at hindi napapakinabangan.
MGA POSIBLENG SOLUSYON
Matalinong Pamimili
- Tayo ay palaging namimili ng mga groceries at pagkain at minsan masyadong marami an gating pinamimili at hindi na natin ito makokonsumo dahil mayroon pang mga pagkain na maaaring maluto. Kaya kailangan nating maging matalino sa ating pamimili para magkasya ito sa ating budget at hindi masayang at mabmabulok ang mga pagkain. Mayroong mga pagkaing madali lamang mabulok gaya ng mga prutas at gulay na maari nang mabulok kung hindi agad naluluto sa loob ng ilang araw. Ang aming pamilya ay namimili kada linggo at ang aming pinamimiling pagkain ay para lamang sa linggong iyon. Hindi kami bumibili ng maraming pagkain lalo na ang mga pagkaing madali lamang mabulok pagkat ito’y masasayang lamang.
Tamang pamimili ng pagkainCredits: Princess Lei Juit
Tamang pagpreserba ng pagkain
- Ang ating preserba ng mga pagkain ay isa sa mga maaaring solusyon sa pagbawas sa mga pagkaing nasasayang. Ito ay isa sa mga mahahalagang paraan para makatipid ng pera at huwag masayang ang ating mga pinamiling pagkain. Ang tamang pagprserba ay makakatulong sa pananatiling sariwa ng mga prutas, gulay, karne at iba pa. Maaari natin itong gawin sa pamamagitan ng pagrefrigerate at iba pang mga paraan kung paano magreserba ng mga pagkain at kunin lamang ang mga ito kung lulutuin o gagamitin na. Isa sa mga natutunan ko mula sa aking mga magulang ay ang tamang pagreserba ng pagkain para hindi ito mabulok at mapakinabangan pa natin. Kung mayroong mga bagong biling pagkain ay ako ang nagrerefrigerate at naglalagay sa mga lalagyan ng mga pagkaing ito gaya ng karne at mga prutas at gulay. Pagrerefrigerate ng pagkain
Source: (n.d.) ,Bins-Elabo-Food-Storage-Containers-Fridge-Produce-Saver, https://www.google.com/amp/s/www.popsugar.com/food/photo-gallery/46457983/image/47437989/Stackable-Bins-Elabo-Food-Storage-Containers-Fridge-Produce-Saver/Paggawa ng Compost Bin
- Ang paggawa ng compost bin ay isa sa mga paraan ng pagliinis sa ating mga food scraps na hindi na magagamit at maaari natin itong gawing fertilizer sa ating mga halaman. Hindi lamang tayo ang makikinabang sa paggawa ng compost bin kung hindi nakakatulong rin ito sa ating kalikasan. Tuwing kumakain kami ng aking pamilya ay may mga tira-tirang pagkain na maaring gamitin para gumawa ng isang compost bin. Tinutlungan ko ang aking ina para gumawa ng isang compost bin mula sa aming mga tirang pagkain gaya ng balat ng mga prutas at gulay o mga tira mula sa aming pinagkainan.
Compost Bin
Credits:Princess Lei Juit
Ang lahat nang ito ay makakatulong hindi lamang sa atin kundi pati sa ating kalikasan. Hindi lang tayo ang makikinabang sa zero food waste sa ating bansa kundi maging ang ating kalikasan. Magkakaroon ng sapat na supply ng pagkain ang lahat at mamamaximize natin ang paggamit ng mga pagkain at kasangkapan. Magagawa natin ito ng walang pagkaing nabubulok, nasasayang at napupunta sa basurahan. Makakatulong ito sa atin sa iba’t-ibang aspeto gaya ng pinansyal na aspeto dahil tayo ay makakatipid ng pera at hindi masasayang ang pagkaing ating binibili.
Isinulat Ni at Sinaliksik Ni: Nina Christine Arana
Sources- Karlo Nograles, January 25 2021,collective-action-to-combat-food-waste, www.bworldonline.com, https://www.bworldonline.com/collective-action-to-combat-food-waste/#:~:text=According%20to%20the%20World%20Wildlife,level%20of%20waste%20is%20criminal.
Eco India, January 29 2020, Minimizing Food Waste in the Philippines, m.dw.com, https://www.dw.com/en/minimizing-food-waste-in-the-philippines/av-52186240
The good food team,(n.d.),How to reduce food waste, www.bbcgoodfood.com, https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/how-reduce-food-waste
Jillian Kubala, November 20 2017, 20 easy ways to reduce your food waste, www.healthline.com,https://www.healthline.com/nutrition/reduce-food-waste
Comments
Post a Comment