KuryenteChallenge
Ang ating kuryente ngayong mga nakaraang taon ay palagi ng nagagamit at dahil dito wala na tayong alam kung kailan ito mauubos. Ang mga ay nagpapatuloy padin sa pag-aksaya at pag-abuso nito. Sa aking pamamahay, ang aming gastusin o electricity bill sa buwan ng Agosto at Septeber ay nasa 12 Thousand pesos kaya ang layunin ng blog post na ito ay turuan kayo kung paano at sa kung anong paraan tayo makakapag-ipon ng kuryente upang maiwasan natin ang pagbigay rason ng Global Warming sa ating mundo at sa pagbawas ng gastusin sa ating mga electricity kada-buwan.
Ang iilan sa mga ay mga paraang kailangang gawin upang makaambag tayo sa kaayusan ng ating mundo:
Paggamit ng Natural na Ilaw
- Unang-una sa lahat ay ang pagmaximize o pagsasanay ng paggamit sa ating natural na ilaw. Sa pamamaraang ito, mas makakaipon pa tayo ng kuryente at mas maliwanag at preskong ilaw ang ating masisilayan. Ngunit ang tanong ay kung paano nga ba tayo masasanay sa paggamit ng natural na liwanag?
Mula sa pagbangon natin sa umaga, kailangan nating buksan ang ating mga bintana at kurtina upang ang natural na liwanag na ito ay makakapasok sa ating tahanan. Atin ding inormalize ang pagbukas ng ating pintuan upang makakaginhawa rin tayo ng preskong hangin; kagaya lang sa pagbukas ng ating mga bintana. Sa mga munting paraan na mga ito ay makakatulong tayo sa ating munting mundo. Maging ako ay sinasanay ang aking sarili na gamitin ang natural na liwanag tuwing ako’y nagbabasa o gumagawa ng mga takdang-aralin. Mayroon ring magagandang benepisyo ang sikat ng araw sa ating katawan kaya makakatulong ito hindi lamang sa mga bayarin kundi sa atin na rin.
Pagpapalit ng bumbilya sa bahay
- Pangalawang paraan naman na nasa nandito sa aking listahan ay ang pagpapalit ng ating mga bumbilya sa bahay. Sasabihin ko sa inyo kung bakit: dahil ang LED na mga bumbilya ay mas malaki ang pagtipid ng enerhiya sa ating kuryente. Sa nabasa kong artikulo sa Google ay ang mga LED na bumbilya ang mas tumatagal at mas nakakatipid ito ng oras at pera sa mahabang panahon. Dahil nandito na tayo usapan tungkol sa ilaw at bumbilya ay kinakailangan din nating patayin ang mga switches nito tuwing hindi ginagamit kahit na ang ating bumbilyang gamit ay LED.
Pag-unplug ng mga appliances
Credits: BJ Penales
Maliban sa pagpatay ng mga ilaw sa tuwing hindi ginagamit ay hinihikayat ko rin kayong iunplug ang mga plag ng ating mga kagamitan kapag ito’y hindi ginagamit. Halimbawa sa mga ito ay ang ating electric fan, charger, at iba pang mga electronic devices. Dahil nababanggit na rin natin ang mga kagamitan sa bahaging ito, may tip ako sainyo kung PAANO talaga makakatipid ng kuryente at ito ang pagpalit ng mga makalumang mga bagay na higit sampung taon na nating ginagamit. Ang mga matatandang kagamitan na mga ito ay mas malaki ang kain nila sa ating kuryente. Kaya, hinihikayat ko kayong bumili at palitan ang mga kagamitang matanda na sa higit sampung taon kahit na ito ay mabigat sa ating bulsa. Ang aming pamilya ay matipid sa kuryente kaya’t pinapaalalahanan namin ang isa’t-isa na iunplug ang mga appliances kapag hindi ito ginagamit para makatipid. Pinapalitan rin namin ang mga appliances na matagal ng ginagamit at hindi na magagamit at ito’y aming binebenta awain nang mas maraming oras, ngunit tiyak na makatipid ito ng enerhiya. Pinalitan ang mga lumang appliances na may mga modelo ng pag-save ng enerhiya. - Alam mo bang ang mga lumang kasangkapan sa bahay (10 taon) ay maaaring gumamit ng mas maraming enerhiya kumpara sa mga bagong modelo? Maaaring parang mahal ito ngunit makatipid ka ng maraming kuryente sa paglipas ng panahon.
Bawasan ang pag-asa sa mga gamit sa bahay. Ang paggamit ng mas kaunting mga appliances ay maaaring gumawa ng ilang mga gawain nang mas maraming oras, ngunit tiyak na makatipid ito ng enerhiya.
Isinulat Ni: Francine Jade Clenista
Sinaliksik Ni: Matthew Recentes
Kung nais nyo po manood sa aming vlog paki press lang pong itong link:
https://drive.google.com/file/d/1dHiGDRkwuR6y-TUUbNs3LA8rUPgUMO0x/view?usp=sharing
Actors:
-Alcazaren
-Penales
-Balaba
Editors:
Himalaloan
Hisona
Sa gayon natapos namin ang aming pagsasaliksik tungkol sa 5 mga paksang dapat nating hanapin isang paraan upang matulungan ang mundo sapagkat nahaharap ito sa isang problema na hindi nito kayang labanan mag-isa. Ang mga tao bang may kakayahang baguhin ito, makakatulong tayo ng marami sa lupa kung higit pa kung may higit na kamalayan tungkol sa mga kaguluhang ito na kakaharapin mismo ng lupa. Kailangan nating harapin ang mga problema sa Earths nang magkakasama upang mabuhay tayo ng maligaya at mapayapang buhay, ang mga sumusunod na paksang tinalakay ay hindi malapit sa lahat ng mga problemang dapat nating harapin. Inaasahan namin na ang reseaerch na ito ay maaaring makatulong sa iyo na mapagtanto kung ano ang dapat naming gawin bilang mga naninirahan sa Earth.
Edited by and Finalized by:
Naomi Katherine Orgil
Marcus Justin Ramos
Carl Dominise
Comments
Post a Comment